No Buko, No Pie



Inggitera ako.

Naiinggit ako sa TV people. Ganito kasi yon: pag doctor ka at may achievement ka, e.g. “I was the one instrumental in proving that the use of Beta-blockers is actually vital in the treatment for hypertension, contrary to what was previously theorized.” People would go, “Ah, sounds… big.” (facial experession na kunwari impressed, pero actually gusto na mag-shift sa next topic). But when you’re a TV person, any achievement, no matter how small, would always merit a response of enthusiasm 100x more than that. Case in point: “I work for Survivor.” And people would go, “WOW!!! TALAGA? TUMIRA KA DON?….” (with matching nanlalaki ang mata at pamimilipit na parang akala mo ihing-ihi tapos sunod-sunod na ang tanong, kwento, at assessment nila of the game.) Gusto ko ng mga ganung achievement – yung nato-touch mo yung lives nila ng bonggang-bongga. Sure, pag doktor ka, nanggagamot ka and you save lives. Pero iba yung alam ng madlang bayan yung ginawa mo at affected sila.

Naiinggit ako sa counterpart kong doktor sa international productions ng Survivor na nagshoo-shoot sa Caramoan every year. Nakaka-5 na sya; pang-anim na nya ngayon. Nakakarami na syang experience tapos puro foreigner pa. Sobrang inggit ako. Although sabi ng bossing ko sa GMA, mas bongga daw ako… limot ko na nga lang kung bakit ako ang mas bongga. Siguro dahil alam ng ordinaryong Pilipino ang show ko at pinapanood kami; siguro dahil pati fans kilala ako 9pati ba naman sa forums, kasama ako?); siguro dahil nararanasan ko ang buhay celebrity kung kasama ko sila (kung kasama lang sila, hindi pag nag-iisa ako). Pero kahit na ba mas bongga pa ang pwesto ko, gusto ko maranasan kahit man lang isang season nila. Gusto ko maranasan paano ba ang international na production.

Naiinggit ako sa dati kong sarili na parang energizer bunny. May award pa nga ako nun e. Ngayon, sobrang tinatamad ako. 8 hours na ako kung matulog, wala pa akong naaaccomplish. Ang bagal bagal kong kumilos. Sobra akong mag-procrastinate, pati pag-gym, tinatamad ako. Pero naiinggit naman ako sa dati kong sarili na toned ang arms.

Arrrrgh. Kelangan ko nang makawala sa pagiging inggitera!


Leave a comment