No Buko, No Pie


Category Archive

The following is a list of all entries from the the wacky people at work category.

Day 47: Two Guys

20130214-204951.jpg

A year ago today, I did a house call on a sick guy at The Mandarin. He was starting to feel better, and so it was the first time he was in good spirits to thank me for the effort I have done for him for 3 straight nights. He was especially grateful because he was here working on Bourne Legacy and have no family around. He felt the “sacrifice” I made for him on the night of Feb 14 was noble.

The truth was – I never celebrate Feb 14. In fact, I turned down a date with a really nice guy that night. I’d rather check on these patients and made sure they were better. I proudly wear that choice on my sleeve.

As for really nice guy, we eventually went out, but that’s a different story and a different day.

Advertisements

Day 2: Guarded

I have been meaning to recall how it feels like to get buzzed.

Although I have started a little group of three called DGD (Drink & Get Drunk, a sub-group of Drink & Be Merry), the last that I got really buzzed was months ago. When the group reunited a few weeks back, I was a little guarded with my alcohol and I don’t remember why. I guess I just feel safe getting drunk in a house where I can comfortably puke in a private bathroom and lie down in a freshly made bed. Unfortunately, the triumvirate hasn’t resumed our weekly activities because two of them have been travelling much for work.

And so enters an invitation from my colleagues. Mother Goose has been asking to go out two nights ago to celebrate the year. (Honestly, I felt there was an underlying reason for a “celebration,” but that’s a different story.) Because I was anticipating I would get buzzed last night, I asked two of mah friends to pick me up and bring me home.

Sadly, we only had one drinking game, I downed just one bottle of Gilbey’s Premium, and the group decided they wanted to cap the night off at Il Mercati eating the night away.

On my way to drunken bliss...not

Although I was laughing and the group was enjoying my drinking game and my road trip game with music blasting in the background, I have to admit there was still a small pang of un-satisfaction. But these things aren’t to be rushed, right?

Earlier that day, I opened up to Luke Skywalker about what’s been bothering me. It was liberating to finally admit my faults and my pain. He could relate to it because he went through something similar. Maybe it is the start of a good friendship.

I don’t know why I feel so guarded. I can easily open up to some people and remain guarded with some. Is that really restricting me from being happy?

Before that phone call with Luke Skywalker, I had a heartfelt discussion with 7-11 dude. We have bonded during happy times, but this time we bonded over more personal matters. It was now his turn to pour his heart out on the headaches and heartaches that have been plaguing his life at the moment. He has alternately been braving through and breaking down. It appeared that he was unaffected with the fact that he was opening up to someone younger, or that this was the first time he broke down his barriers and revealed his self for the first time. And for that, we felt a stronger bond between us.

Maybe I should follow in Luke and 7-11’s footsteps. Maybe I should be less guarded.

Maybe that’s why I wanted to get drunk in the first place – to bring down those barriers


Little Woman

There are some patients whom I will remember.

Just this morning, a toddler kept taking a peek in my clinic. She did this about 10 times, kinda like how a teenage girl would see if they could catch a glance at their crushes. When I started taking notice, she began smiling and started to take steps to enter my room. Her yaya came swooping in to prevent her from venturing off into unauthorized territory. But little Stephanie was insistent, so I assured yaya that it was ok. She stepped up to my desk and looked at me. I dunno if it was because I was wearing red (I hear they’re still really attractive to kids), or she just liked me because I looked kind to her. I started introducing myself and offered to shake my hand. She did. She tried “talking” as if wanting to start a conversation. Then, she turned toward the examining table where she probably wanted to play. Yaya brought her out.

A few minutes later, Stephanie, this time wearing a pink hat, came in with yaya running after her. Probably wanted to show me the hat. I surmised she wanted me to take her. She did. She was then sitting on my lap staring into my computer. Yaya said she was malikot (fidgety). On the contrary, Steph just sat there, probably just enjoying where she was. But it was time to go. Her pediatrician might be looking for her anytime now, so Steph said her goodbyes and sent me flying kisses.


Fire those unhappy employees!

Luckily, I found out that the secret to having a happy working environment is to fire the unhappy employees.


Nakakahilong usapan

“Doc, nahilo po ako.”
“Kelan?”
“Ngayon-ngayon lang.”
“Ibig mong sabihin mga ilang minuto pa lang po ang nakalipas?”
“Hindi po. Ngayon ngayon lang.”
“Kelan nga po yon?”
“Nung isang linggo.”
(Ngerk)
“E ngayon po ba ay nahihilo ka?”
“Medyo.”
“Medyo? Ibig mong sabihin na ngayong nag-uusap tayo ay nahihilo ka?”
“Hindi.”
“So hindi po kayo nahihilo ngayon?”
“Medyo.”
“Ano po ba talaga? Pakilinaw po. Kasi para sa akin, pag sinabi mong ‘medyo’, ang ibig sabihin nun ay nahihilo ka. Kaya ang isasagot nyo lang po sa akin ay ‘oo’ o ‘hindi.’ Tatanungin ko po kayo uli: Nahihilo po ba kayo?”
(Nag-isip muna ng ilang segundo.)
“Hindi.”
“Hindi? So wala po akong gagamutin na pagka-hilo?”
“Wala po.”
Hay, sa wakas. Kaso, nung natapos na ang usapan namin tungkol sa hilo, nag-conclude kami na hindi ang pagkahilo nya ang pinoproblema nya. Sa madaling salita, may ibang dahilan kung bakit sya nasa clinic.
“Kung ganon po, ano pong ipapa-consulta nyo?”
“Masakit po kasi ang likod ko.”
“Kelan pa?”
“Ngayon-ngayon lang.”
Heto na naman tayo…

Pauso

Bago ang lahat, wala pa akong nabobolang magpahiram ng kotse.

Pero may isa nga palang pauso dito – ang maghanap ng tulya.

Ganito lang pala yon: sa beach area, i-comb mo lang ang fingers mo sa sand at eto na ang makukuha mo:
P090609_14.28

Nakakalibang na sya. And at the end of it, may ilang kilo ka na ng tulya.

In fairness, natanggal kahit konting saglit ang boredom ko.

To make it a little challenging: kahapon, paa ang ginamit ko, hindi kamay.

Nga pala, yung babaeng nagpauso nito ay binansagan namin na “Tulya Roberts.”

tulya
Naghahanap ng tulya at sunset. Na-bore na sila. Sobra


Welcome to my Talk Show

ang tawak

sa linggong ito, nasa isang ospital ako kung saan nasa gitna sya ng grazing area. ito ang unang beses kong napadpad sa isang ospital kung saan pag dungaw mo sa bintana ay baka at tandang ang makikita mo, at kung saan pwede kang makipag-patintero sa mga sasakyan sa labas.

tatawagin natin itong lugar na ito na naak, cavite.

may in-examine kami ni doc jiggs na isang nurse na naniniwalang nakulam sya dahil sa dami ng pigsa nya sa lugar kung saan ayaw mong magka-pigsa. tinapalan pa nya ito ng gumamela. marami nang mga doctor ang nagpahiwatig na gusto nilang pigain at gamutin ang mga pigsa nya ngunit ilang beses na nya tinanggihan ang mga ito. ako pa lamang ang babaeng doctor na nag-alok gawin ito sa kanya. nag-sales talk pa ako na kesyo magaan ang kamay ko, pero ayaw pa rin. binilog ko na lang ng konti ulo nya para man lang mag-simula ng antibiotics at para malanggasan ng maayos ang sugat nya. napapayag ko rin.

nakaka-gulat na may mga nurse pa pala na sumusunod sa mga kasabihan ng mga matatanda at naniniwala pa sa kulam.

mahirap tutulan ang mga ito dahil sa tindi ng paniniwala nila. sarado na ang utak ng iba. lalo na dito sa naak kung saan mayaman sila sa tapal…

… at ang kapitbahay ng ospital na ito ay ang bahay ng albularyo at tawak.

doc zoe: ano po yung tawak?

doc jiggs: yun yung manggagamot na naninipsip ng sakit.

doc zoe: ah, yung pag may bukol sa suso, sisipsipin yung suso…

doc jiggs: …o kung may pigsa sa pwet, sisipsipin nya yon…

doc zoe: … o kung may snake bite sa paa, kahit ang dumi-dumi pa nun, sisipsipin pa rin nya?

doc jiggs: ganon nga.

doc zoe: ew.

doc jiggs: pag ganon kasi, di mo na sila pwedeng kontrahin pa. e yung anti-venom natin ay ide-deliver pa from 20 minutes away. e kung pinigilan mo pa yung dala nilang tawak, baka ikaw pa ang sisihin ng pamilya, kesyo dahil di mo pinayagan ang tawak kaya namatay yung pasyente nila.

doc zoe: oo nga naman. may na-encounter ka na ba na ganon?

doc jiggs: oo. pinayagan ko lang, bahala na sila kung saan nanggaling yung paang yon at ang dumi-dumi… sasabihin ko na lang na pwede habang wala pa yung anti-venom pero di na nila pwedeng higupin yon pag nalagyan na ng anti-venom. syempre, papayaga na sila sa compromise ko.

doc zoe: nagkaroon ka ba ng case na kung san dinala na nga nila sa e.r., nagsama pa sila ng tawak sa e.r., ginamot ng tawak, tapos iinsist na iuwi na, tipong ginamit lang yung e.r. at yung tawak ang nag-take ng place mo?

doc jiggs: marami! minsan nga pipilitin pa nila na wag na lang magpalagay ng anti-venom kasi sabi ng tawak ok na yon. pag ganon, pinapa-pirma ko na lang. e di sila mapapakali kaya magpapalagay na rin sila ng anti-venom.

doc zoe: mostly ba ang kaso ng mga tawak ay yung mga natuklaw ng ahas?

doc jiggs: oo, yun talaga ang karamihan sa kaso nila.

doc zoe: bakit? may powers ba sila? as in, may powers ba ang laway nila?

doc jiggs: parang ganon na nga. hindi naman kasi yan ina-applyan. mana yan. kung tatay mo ay tawak, magiging tawak ka din. pag mamamatay na sila, dadasalan ka nila kaya may powers ang laway nyan. bukod don, may parang training din yan. kasi, example, alam nila na pag may singaw sila ay di sila pwede mag-sipsip, ganon.

doc zoe: ayos! buti na lang pala di ako pinanganak na anak ng tawak! may natutunan ako: na it really sucks to be one!
(pun not intended)