No Buko, No Pie


Category Archive

The following is a list of all entries from the flip! category.

Relationship Advice for my Guy Friends

My Facebook status at 11:45pm:

Nabo-bore ako. Magtanong naman kayo sa akin ng problema sa relationship. Di ko nga lang pinapangako ang matinong payo…

P.S.
Pwede ring hindi matino ang tanong nyo.

20130113-214321.jpg

Maybe I was just really sleep-deprived at this point…so were my guy friends,

 

Doc mahal kaya niya ako? Hahaha – Cocoy

Cocoy,

1. Is she real?

2. Does she know you exist?

3. Nag-uusap kayo?

Kung ang sagot sa tatlo ay yes, then may posibilidad na mahal ka nya kung hindi pa. Ang payo ko sa ‘yo: kumuha ka ng sample ng buhok nya (masipag ka naman e) at ilagay sa ilalim ng unan mo para mapanaginipan ka nya. Pag gising nya, mahal ka na nya. Works 8 out of 10 times.

 

Doc, saan ba nakakabili ng washing machine na pambabae lang? Sawang sawa na ako maglaba ng damit naming mag asawa eh. – Geoff

Geoff, it does not exist. Pang-lalake lang talaga. Pero parang hindi ito pang-relationship advice. BUT dahil kaibigan kita, ito ang payo ko: bigyan mo sya ng isang dosenang brand new hangers. Tapos lagyan mo ng message na “I MISS HANGING OUT WITH YOU.”

Di ka man makakuha ng washing machine na pang-babae, sabay naman kayong maglalaba. Sorry, maglalaba ka pa rin. Works 9 out of 10 times.

 

May problema ako sa relationship ko sa bacon, pano ko sya ititigil? Nasisira na diet ko… – Pao

Maging ako ay ganyan. May bagong sundae sa Mc Donald’s na kahit isang buwan kong binabalikbalikan ay di ko pa rin matandaan ang pangalan. Parang choco dipped sundae na oreo-filled. Kung di ko maalala ang pangalan pero binabalikan ko sya kahit pasado hatinggabi, then it must be true love.

So don’t let that bacon go. True love happens once in a lifetime, but bacon can happen 3 times a day. Or even more. Then it must be greater than true love.

…oh, and bacon will stay in your heart forever.

 

Advertisements

Chocolate High

There is something about your love

That makes me just wanna open up

Your flavor is the sweetest thing in life

I’m addicted to your chocolate high

Cause I want you and I know that you want me

So let’s stay close like we supposed to be

And just get high on our own supply

I’m addicted to your chocolate high

– India Arie


Protected: Chocolate-scented Second Hand Smoke

This content is password protected. To view it please enter your password below:


Pauso

Bago ang lahat, wala pa akong nabobolang magpahiram ng kotse.

Pero may isa nga palang pauso dito – ang maghanap ng tulya.

Ganito lang pala yon: sa beach area, i-comb mo lang ang fingers mo sa sand at eto na ang makukuha mo:
P090609_14.28

Nakakalibang na sya. And at the end of it, may ilang kilo ka na ng tulya.

In fairness, natanggal kahit konting saglit ang boredom ko.

To make it a little challenging: kahapon, paa ang ginamit ko, hindi kamay.

Nga pala, yung babaeng nagpauso nito ay binansagan namin na “Tulya Roberts.”

tulya
Naghahanap ng tulya at sunset. Na-bore na sila. Sobra


Bored ako. Sobra.

…at alam ko na kung ano ang solusyon. Hindi noodles. Hindi inuman. Hindi makipag-landian. Ang solusyon ko ay mag-drive ng kotse. Yun lang.

Nagsimula lang lahat yan mga 3 days ago nung na-lost at sea kami. 7 lang kami sa cabin boat, kasama na ang isang beteranong boatman. Akalain mong naligaw kami sa gitna ng dagat habang bumabagyo… Henewei, tinanong ako ni Direk kung anong tumakbo sa isip ko nung mga panahon na yon. Di ko naman naisip na big deal. Sabi ko na di ko tinandaan kung ano. Pero maya-maya, (nung nakarating na kami sa mess hall namin sa Land of Enchantment) naalala ko na kung ano – naalala ko ang buhay ko sa Manila/Cavite/Laguna, lalo na yung part na nagda-drive ng kotse at yung paminsan-minsang pagpunta sa mga mall.

Mula noon, parang di na yon mawala sa isip ko.

E bored ako, so mas lumala ang pre-occupation na ito.

Matapos ko makausap ang magical mind reader partner ko, na-confirm nya ang mga suspetsa ko kung bakit ako ganito ka-bored. Naliwanagan din ako sa ilang aspeto ng pagkatao ko kung bakit ako *ganito* at kung bakit *ganoon* ang *ganitong mga grupo ng* tao sa akin. I-aassure ko sa iyo na mgagandang mga bagay ang mga sinabi nya. Di ko nga mapaniwalaan yung iba doon, feeling ko nga inuuto na naman ako nito e… pero sa pagkakataong ito, dahil magaganda ang mga sinabi nya, pumayag akong magpa-uto. May katuturan naman ang sinasabi nya. (Wahahaha!)

At dahil dyan, napagpasyahan kong ituloy lahat ng mga binabalak kong gawin (since 1 week ago ata) para maibsan itong nararamdaman ko.

Pag gising ko kahapon, ginawa ko ‘ang step 1 ng mga balak ko.’ Palagay ko tumalab dahil may mga napapansin akong mga reaksyon sa mga tao na gusto ko… pero kung ano ang Step 1 ay amin na lang yon ni pardner.

Step 2: Mag-party. Nga lang, parang tinatamad ako. Ganon ako ka-bored. Tatlo nga ang invitation ko to party tonight, pero isa lang ang sinipot ko. Late pa ako. (Or fashionably late). Dapat siguro tularan ko si Paris Hilton na magme-make an appearance man lang sa party. Sayang lang hindi ako si Paris Hilton para maka-tanggap ng dolyares kada appearance kaya nakaka-walang gana. Hayun. Bored tuloy ako uli.

P080609_07.03_[02]

Step 3: Mag-drive. Dito sa so-called Land of Enchantment, di namin feel na enchanted nga. O magical. Walang magic dito gaya ng Tarutao. Bukod don, walang sunset, walang beach, walang view. Kumabaga, walang mga factors na makaka-pag relax sa akin kung gugustuhin ko. Ang naiisip ko lang ay mag-drive. Ang meron kasi dito ay malinis na kalsada. Walang traffic, dire-diretso lang ang daan. Siguro naman maintindihan nyo kung bakit mare-relax ako don.

Binola ko lang naman yung kapitbahay kong may-ari ng Skyline. Ang alam yata nya ay nag-aaya ako ng date. Ang di ko pa nalilinaw sa kanya ay user ako at yung kotse lang nya ang habol ko.

Dahil dyan, kelangan kong makabola ng iba pa para makahiram ng kotse. Nakakahiya naman sa kanya kung umaasa syang mabobola pa nya ako.

Abangan.

Picture: Ganyan ka-tahimik ang kalsada dito. Hindi ito subdivision. Highway na ito. At itong area na ito ang pinaka-populated na lugar.


Gusto ko ng noodles

Eto ang tinitirahan ko since 1 month ago:

june 2 am1 (5)

Ang hotel room ko ay nasa 2nd floor. Nasa kanya na ang lahat ng basic comfort/luxuries na di namin nakuha nung nakatira kami sa cottages namin sa Thailand – air con, hot and cold shower, and a ref. At sa ilalim non ay may sari-sari store. Bukod don, yung nakikitang nyong building sa foreground ay isang mini-grocery store. So siguro iisipin mo kung gutom ako, panalong-panalo ang kinalalagyan ko, di ba? Oo sana. Kaso mo, ang mamahal ng bilihin! Minsan kung bongga ako, why not? Minsan lang naman ako mag-Pringles o Sun Chips o Doritos dito. Yung nga lang, sa araw na ito, gusto ko lang naman itawid tong gutom ko bago mag-dinner at sa di ko maintindihang dahilan, gusto ko ng noodles. Bahala na si Batman kung anong noodles ang meron sa tindahan, marami naman dyang produkto na galing Pilipinas na kahalo ng mga produkto ng US. Pero talo talaga ako sa presyo.

Basta gusto ko ng noodles. Bakit ba naman ang hirap-hirap ma-satisfy nito?… Hindi worth it talaga ang presyo.

Naintindihan ko na ang kinalalagyan ng castaways. Tiis tiis na lang.

Yun nga lang, may kaya akong gawin na di kayang magawa ng castaways kung gutom – mangapitbahay.

Dahil dyan…

(sana may noodles sila…)


Welcome to my Talk Show

ang tawak

sa linggong ito, nasa isang ospital ako kung saan nasa gitna sya ng grazing area. ito ang unang beses kong napadpad sa isang ospital kung saan pag dungaw mo sa bintana ay baka at tandang ang makikita mo, at kung saan pwede kang makipag-patintero sa mga sasakyan sa labas.

tatawagin natin itong lugar na ito na naak, cavite.

may in-examine kami ni doc jiggs na isang nurse na naniniwalang nakulam sya dahil sa dami ng pigsa nya sa lugar kung saan ayaw mong magka-pigsa. tinapalan pa nya ito ng gumamela. marami nang mga doctor ang nagpahiwatig na gusto nilang pigain at gamutin ang mga pigsa nya ngunit ilang beses na nya tinanggihan ang mga ito. ako pa lamang ang babaeng doctor na nag-alok gawin ito sa kanya. nag-sales talk pa ako na kesyo magaan ang kamay ko, pero ayaw pa rin. binilog ko na lang ng konti ulo nya para man lang mag-simula ng antibiotics at para malanggasan ng maayos ang sugat nya. napapayag ko rin.

nakaka-gulat na may mga nurse pa pala na sumusunod sa mga kasabihan ng mga matatanda at naniniwala pa sa kulam.

mahirap tutulan ang mga ito dahil sa tindi ng paniniwala nila. sarado na ang utak ng iba. lalo na dito sa naak kung saan mayaman sila sa tapal…

… at ang kapitbahay ng ospital na ito ay ang bahay ng albularyo at tawak.

doc zoe: ano po yung tawak?

doc jiggs: yun yung manggagamot na naninipsip ng sakit.

doc zoe: ah, yung pag may bukol sa suso, sisipsipin yung suso…

doc jiggs: …o kung may pigsa sa pwet, sisipsipin nya yon…

doc zoe: … o kung may snake bite sa paa, kahit ang dumi-dumi pa nun, sisipsipin pa rin nya?

doc jiggs: ganon nga.

doc zoe: ew.

doc jiggs: pag ganon kasi, di mo na sila pwedeng kontrahin pa. e yung anti-venom natin ay ide-deliver pa from 20 minutes away. e kung pinigilan mo pa yung dala nilang tawak, baka ikaw pa ang sisihin ng pamilya, kesyo dahil di mo pinayagan ang tawak kaya namatay yung pasyente nila.

doc zoe: oo nga naman. may na-encounter ka na ba na ganon?

doc jiggs: oo. pinayagan ko lang, bahala na sila kung saan nanggaling yung paang yon at ang dumi-dumi… sasabihin ko na lang na pwede habang wala pa yung anti-venom pero di na nila pwedeng higupin yon pag nalagyan na ng anti-venom. syempre, papayaga na sila sa compromise ko.

doc zoe: nagkaroon ka ba ng case na kung san dinala na nga nila sa e.r., nagsama pa sila ng tawak sa e.r., ginamot ng tawak, tapos iinsist na iuwi na, tipong ginamit lang yung e.r. at yung tawak ang nag-take ng place mo?

doc jiggs: marami! minsan nga pipilitin pa nila na wag na lang magpalagay ng anti-venom kasi sabi ng tawak ok na yon. pag ganon, pinapa-pirma ko na lang. e di sila mapapakali kaya magpapalagay na rin sila ng anti-venom.

doc zoe: mostly ba ang kaso ng mga tawak ay yung mga natuklaw ng ahas?

doc jiggs: oo, yun talaga ang karamihan sa kaso nila.

doc zoe: bakit? may powers ba sila? as in, may powers ba ang laway nila?

doc jiggs: parang ganon na nga. hindi naman kasi yan ina-applyan. mana yan. kung tatay mo ay tawak, magiging tawak ka din. pag mamamatay na sila, dadasalan ka nila kaya may powers ang laway nyan. bukod don, may parang training din yan. kasi, example, alam nila na pag may singaw sila ay di sila pwede mag-sipsip, ganon.

doc zoe: ayos! buti na lang pala di ako pinanganak na anak ng tawak! may natutunan ako: na it really sucks to be one!
(pun not intended)