No Buko, No Pie



Relationship Advice for my Guy Friends

My Facebook status at 11:45pm:

Nabo-bore ako. Magtanong naman kayo sa akin ng problema sa relationship. Di ko nga lang pinapangako ang matinong payo…

P.S.
Pwede ring hindi matino ang tanong nyo.

20130113-214321.jpg

Maybe I was just really sleep-deprived at this point…so were my guy friends,

 

Doc mahal kaya niya ako? Hahaha – Cocoy

Cocoy,

1. Is she real?

2. Does she know you exist?

3. Nag-uusap kayo?

Kung ang sagot sa tatlo ay yes, then may posibilidad na mahal ka nya kung hindi pa. Ang payo ko sa ‘yo: kumuha ka ng sample ng buhok nya (masipag ka naman e) at ilagay sa ilalim ng unan mo para mapanaginipan ka nya. Pag gising nya, mahal ka na nya. Works 8 out of 10 times.

 

Doc, saan ba nakakabili ng washing machine na pambabae lang? Sawang sawa na ako maglaba ng damit naming mag asawa eh. – Geoff

Geoff, it does not exist. Pang-lalake lang talaga. Pero parang hindi ito pang-relationship advice. BUT dahil kaibigan kita, ito ang payo ko: bigyan mo sya ng isang dosenang brand new hangers. Tapos lagyan mo ng message na “I MISS HANGING OUT WITH YOU.”

Di ka man makakuha ng washing machine na pang-babae, sabay naman kayong maglalaba. Sorry, maglalaba ka pa rin. Works 9 out of 10 times.

 

May problema ako sa relationship ko sa bacon, pano ko sya ititigil? Nasisira na diet ko… – Pao

Maging ako ay ganyan. May bagong sundae sa Mc Donald’s na kahit isang buwan kong binabalikbalikan ay di ko pa rin matandaan ang pangalan. Parang choco dipped sundae na oreo-filled. Kung di ko maalala ang pangalan pero binabalikan ko sya kahit pasado hatinggabi, then it must be true love.

So don’t let that bacon go. True love happens once in a lifetime, but bacon can happen 3 times a day. Or even more. Then it must be greater than true love.

…oh, and bacon will stay in your heart forever.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: